--Ads--

Pumanaw na sa edad na 80 ang English actor na si Tim Curry, na mas nakilala sa kanyang iconic role bilang Dr. Frank-N-Furter sa cult classic musical film na “The Rocky Horror Picture Show.”

Pumanaw si Curry sa kanyang tahanan sa Los Angeles matapos ang mahigit isang dekadang pakikipaglaban sa mga epekto ng stroke.

Bukod sa “Rocky Horror,” naging tanyag din si Curry sa kanyang pagganap bilang nakakatakot na clown na si Pennywise sa 1990 television miniseries na “It,” batay sa nobela ni Stephen King.

Kabilang din sa kanyang mga pelikula ang “Annie,” “Clue,” “The Hunt for Red October,” at “Home Alone 2.”

--Ads--

Nagsimula ang kanyang karera sa teatro sa London at nakatanggap ng nominasyon para sa Tony at Olivier Awards. Isa rin sa kanyang mga memorable performance ang pagganap bilang King Arthur sa Broadway at West End production ng “Monty Python’s Spamalot.”

Nagbigay naman ng pakikiramay ang kanyang mga dating katrabaho, kabilang sina Susan Sarandon at Carol Burnett, na parehong nagbigay-pugay sa talento at kabutihan ni Curry.