--Ads--

Agaw-pansin ang humanoid robot na “Superman” ng Chinese robotics company na Unitree matapos ipakitang kaya nitong tumakbo nang hanggang 45.6 kilometers per hour, mas mabilis sa tinatayang 44 kilometers per hour na top speed ni Olympic sprint legend Usain Bolt.

Sa inilabas na video ng kompanya noong Agosto 17, ipinakita rin ang kakayahan ng robot na tumalon nang dalawang metro pataas at ligtas na lumapag gamit ang dalawang paa.

Gayunman, nilinaw na ang mga performance figure ay mula mismo sa Unitree at hindi pa nakukumpirma ng isang independent third party.