--Ads--
Isang smart underwear na may sensor para awtomatikong sukatin ang dalas ng pag-utot ang binuo ng mga researcher upang makatulong sa pag-aaral ng gut bacteria at digestive health.
Pinangunahan ng University of Maryland ang proyekto na sumusukat sa hydrogen gas na inilalabas sa pag-utot. Sa unang pag-aaral, lumabas na umaabot sa average na 32 beses ang pag-utot ng mga participant sa loob ng 12 oras.
Bagama’t hindi pa ito itinuturing na medical device, nakikita ng mga eksperto na maaari itong makatulong sa pagsusuri ng mga taong nakararanas ng kabag, pananakit ng tiyan at sobrang gas. Gayunman, kailangan pa ng mas maraming pag-aaral bago ito magamit sa pagtukoy ng mga partikular na sakit.





