--Ads--

Laglag sa quarterfinals ng US Open si defending champion Carlos Alcaraz matapos talunin ni American Ben Shelton sa isang epic five-set thriller.

Tinalo ni Shelton si Alcaraz sa iskor na 6-7, 6-1, 6-3, 1-6, 7-6, para makuha ang una niyang career win laban sa Spanish star.

Umabot sa apat na oras at 28 minuto ang laban, na naging pinakamahabang pagtatapos sa kasaysayan ng US Open sa Flushing Meadows.

Dahil sa panalo, muling nakapasok si Shelton sa semifinals at haharap sa kapwa American na si Frances Tiafoe.

--Ads--