--Ads--

Tinanggap ni Cagayan Vice Governor Manuel Mamba ang 90-araw na preventive suspension order laban sa kanya, kasabay ng pagpapahayag ng kumpiyansa na mananaig ang katarungan at pagiging patas.

Sa pahayag ng Cagayan Provincial Information Office nitong Lunes, sinabi ni Mamba na iginagalang niya ang proseso ng korte at kusang-loob niyang susundin ang naturang kautusan.

Nilinaw ng bise gobernador na ang preventive suspension ay hindi isang parusa kundi bahagi lamang ng proseso habang dinidinig ang kanyang kaso.

Sinabi rin ni Mamba na malugod niyang tinatanggap ang pagkakataong maiharap at maipaliwanag ang kanyang panig sa usapin.

--Ads--