--Ads--
Ibinasura ng Sandiganbayan Second Division ang hiling ng mga government prosecutor na alisin si dating Public Works chief Manuel Bonoan bilang akusado sa graft case kaugnay ng umano’y kickback scheme sa flood control projects.
Ipinabatid ng korte ang desisyon nitong Martes sa pre-trial conference ng kaso laban kay Bonoan at Senator Jinggoy Estrada.
Dahil dito, sinabi ng prosecution na mananatili nilang ituturing na akusado si Bonoan habang hinihintay ang karagdagang direktiba mula sa Office of the Ombudsman.
Kabaligtaran ito ng naunang ruling ng Sandiganbayan Fifth Division na pumayag na alisin si Bonoan bilang akusado sa hiwalay na ₱573-milyong plunder case at isa pang graft case na may kaugnayan sa parehong alegasyon.
--Ads--











