--Ads--
Ipinaliwanag ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. ang desisyon ng Department of Agriculture o DA na pansamantalang ipahinto ang pag-export ng fresh ube.
Ayon kay Laurel, mataas ang demand sa ube sa lokal na merkado habang kulang naman ang planting materials para mapalawak ang produksyon.
Isa rin aniya sa dahilan ng hakbang ang posibilidad na itanim ang ube sa ibang bansa at maging kakumpitensiya ng Pilipinas sa hinaharap.
Sinabi ni Laurel na kailangang mauna ang Pilipinas sa pagpapalago ng industriya ng ube at mapanatili ang pagiging nangunguna nito sa produksyon.
--Ads--
Dagdag pa ng kalihim, bahagi ito ng plano ng DA upang mapalakas ang lokal na industriya at matugunan muna ang pangangailangan sa bansa.











