--Ads--

Mariing tinutulan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang pag-angkin ng China ng soberanya at hurisdiksiyon sa karagatan sa paligid ng Batanes.

Ayon sa DFA, nagsagawa ng legal at regular na operasyon ang Philippine Coast Guard matapos matukoy ang umano’y unauthorized marine scientific research ng Chinese vessel na JIA HAI KE 7.

Namataan ang barko may 37 nautical miles northwest ng Itbayat, Batanes, na nasa loob ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas.

Binigyang-diin ng DFA na walang pahintulot mula sa Pilipinas ang pagsasagawa ng marine scientific research ng naturang barko, na kinakailangan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

--Ads--

Samantala, iginiit ng Chinese Embassy na may sovereign rights at jurisdiction umano ang China sa naturang karagatan dahil sa overlapping maritime claims ng dalawang bansa.

Sinabi ng DFA na patuloy nitong ipagtatanggol ang sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas sa EEZ alinsunod sa international law.