Ikinasal na ang Hollywood actor at comedian na si Jim Carrey sa kaniyang girlfriend na si Min Ah sa isang pribadong seremonya sa Los Angeles noong Setyembre.
Kinumpirma ito ng spokesperson ng aktor, bagama’t hindi pa naglalabas ng mga larawan o iba pang detalye ang bagong kasal.
Unang nagpakita sa publiko bilang magkarelasyon sina Carrey at Min Ah noong César Awards sa Paris noong Pebrero 2026, kung saan tumanggap ang aktor ng honorary César Award.
Sa kaniyang acceptance speech, pinasalamatan ni Carrey ang kaniyang pamilya at tinawag si Min Ah bilang kaniyang “sublime companion.”
Ito na ang ikatlong pagpapakasal ng 64-anyos na aktor.
Nauna siyang ikinasal kay Melissa Womer mula 1987 hanggang 1995 at kay Lauren Holly noong 1996, ngunit nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.








