--Ads--

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation o NBI na dalawa sa pitong tinukoy na umano’y cash house ni dating pulis Rodulfo Gracioso Jr. ay pag-aari ng mag-asawang dating House Speaker Lord Allan Velasco at Rowena Velasco.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, patuloy nilang sinusuri ang records mula sa Securities and Exchange Commission, Government Service Insurance System, Bureau of Internal Revenue at Anti-Money Laundering Council upang matukoy kung paano nakuha ang mga ari-arian, iba pang may-ari at pinagmulan ng pondo.

Nauna nang sinabi ni Gracioso na naghahatid siya umano ng mga maleta ng pera kina Vice President Sara Duterte, Davao City 1st District Representative Paolo Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa utos ni Velasco.

Itinanggi nina Velasco at Duterte ang mga alegasyon.

--Ads--

Samantala, sinabi ng NBI na kabilang sa mga susuriin nito ang iba pang alegasyon ni Gracioso upang mapatunayan kung may basehan ang mga ito.