Kinumpirma ng forensic examination ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi tunay na abo ng mga alagang hayop ang ipinamahagi ng isang pet crematorium sa Bacoor, Cavite sa kanilang mga fur parent.
Ayon kay Philippine Animal Welfare Society (PAWS) Executive Director Atty. Anna Cabrera, naglalaman ang mga abo ng silicon, iron, potassium at aluminum sa halip na mga labi ng kanilang mga alagang hayop.
Dahil dito, nagsampa ang NBI ng reklamong estafa at paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act laban sa mga indibidwal na sangkot sa operasyon ng pet crematorium.
Matatandaang natagpuan din ang mga labi ng 26 na aso at tatlong pusa sa isang bakanteng lote sa San Jose del Monte City, Bulacan, na naging bahagi ng imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa pagpapakremasyon ng mga hayop.











