--Ads--

Hindi bababa sa 25 katao ang nasawi at nasa 100 ang sugatan sa malawakang pag-atake ng Russia gamit ang missiles at attack drones sa ilang bahagi ng Ukraine.

Inilunsad ng Russia ang magkakasunod na missile at drone strikes laban sa Kyiv, Pryluky, Kremenchuk, Dnipro at iba pang lungsod sa Ukraine.

Sa Pryluky, tinamaan ng Russian missile ang isang limang-palapag na residential building na ikinasawi ng 19 katao, kabilang ang limang bata. Patuloy naman ang paghahanap ng rescue teams sa mga guho para sa mga posibleng nakaligtas.

Nagdulot din ang mga pag-atake ng pinsala sa mga residential building, industrial facilities at energy infrastructure sa ilang rehiyon.

--Ads--

Bago ang pag-atake, nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na nakatanggap ang kanilang intelligence ng impormasyon na naghahanda ang Russia ng malawakang pag-atake.

Naganap ang opensiba kasabay ng ika-74 na kaarawan ni Russian President Vladimir Putin.

Patuloy namang isinasagawa ang rescue operations sa mga lugar na tinamaan ng pag-atake, kaya posibleng magbago pa ang bilang ng mga nasawi at sugatan.