--Ads--
Umabot sa ₱6.43 trilyon ang halaga ng mga investment na nabigyan ng green lane status ng Board of Investments o BOI, na inaasahang lilikha ng mahigit 428,000 trabaho sa bansa.
Batay sa BOI, nasa 248 proyekto ang naendorso mula Pebrero 2023 hanggang Setyembre 2026, kabilang ang 190 renewable energy projects na nagkakahalaga ng ₱5.52 trilyon.
Layunin ng green lane initiative na pabilisin ang pagproseso ng mga permit at lisensya para sa mga estratehikong investment.Ayon sa BOI, bumaba sa average na 7.67 araw ang pagproseso ng mga permit, mas mabilis kumpara sa 19.12 araw na itinakda sa Citizen’s Charter.








