--Ads--
Naitala ni June Mar Fajardo ang panibagong milestone sa kaniyang PBA career matapos maging ika-19 na manlalaro sa kasaysayan ng liga na umabot sa 10,000 career points.
Naabot ni Fajardo ang marka sa unang quarter ng 2026 Governors’ Cup game ng San Miguel Beermen kontra NLEX Road Warriors.
Naisalpak niya ang turnaround hook shot laban kay Dave Marcelo, may dalawang minuto at 22 segundo pang nalalabi sa opening period.
Si Fajardo, na siyam na beses nang naging PBA Most Valuable Player, ay ikalimang manlalaro ng San Miguel na nakapasok sa 10,000-point club.
--Ads--






