--Ads--

Magsasagawa ang Provincial Government of Isabela ng Gun Safety Seminar, License to Own and Possess Firearm at Firearm Registration Caravan sa Oktubre 29 hanggang 30, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa FMD Hall, ikalawang palapag ng Provincial Capitol Building.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Public Safety Officer Kim Agbayani, sinabi niyang layunin ng aktibidad na maisulong ang responsible gun ownership at mailapit sa mga residente ang mga serbisyo para sa firearm licensing at registration.

Bukas ang aktibidad sa mga nasa wastong gulang, kabilang ang mga pribadong indibidwal at business owners.

Katuwang ng Provincial Public Safety Office sa programa ang Regional Civil Security Unit Office 2, Firearms and Explosives Office at Isabela Police Provincial Office.

--Ads--

Kabilang sa tatalakayin sa seminar ang mga requirements para sa firearm licensing, kabilang ang pagkakaroon ng secured container na may lock and key, gayundin ang iba pang documentary requirements at kaukulang bayarin.

Mayroon ding drug testing o urine examination, National Police Clearance, police clearance mula sa City of Ilagan Police Station, crime laboratory services, RAS ID at iba pang forms, at iba pang assistance mula sa Provincial Public Safety Office.

Ayon kay Agbayani, nasa 129 na ang pre-registered participants para sa aktibidad, habang nakahanda rin ang kanilang personnel upang umalalay sa mga dadalo.

Pinapayuhan naman ang mga interesado na abangan ang documentary requirements sa Facebook page ng Provincial Public Safety Office at tiyaking nasa wastong gulang bago lumahok.