Dalawang miyembro ng Bamboo Youth Congress ng Lungsod ng Cauayan ang matagumpay na nakapag-donate ng dugo sa isinagawang Dugong Bombo 2026, kabilang ang isang 19-anyos na kabataang kabilang sa mga pinakabatang donor sa naturang aktibidad.
Ito ay si Ginoong Edison Fernandez, 19 anyos, na boluntaryong nakibahagi sa blood donation program bilang bahagi ng kanilang organisasyon.
Sa pamamagitan ng kaniyang paglahok, naging bahagi siya ng mga kabataang nakiisa sa layuning makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.
Samantala, ayon kay Ginoong Xander Jake Paclarin, chairman ng Bamboo Youth Congress, kabilang sa mga prinsipyong isinusulong ng kanilang organisasyon ang volunteerism, leadership at sustainability.
Aniya, mahalagang maisabuhay ng kanilang mga miyembro ang mga prinsipyong ito sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga inisyatibong makatutulong sa nakararami.
Dagdag pa ni Paclarin, mahalagang patuloy na makibahagi ang mga kabataan sa mga gawaing pangkomunidad upang maisabuhay ang kanilang adbokasiya sa boluntaryong paglilingkod.
Home Local News
Bamboo Youth Congress-Cauayan, kabilang sa mga blood donor sa Dugong Bombo 2026; 19-anyos, isa sa mga pinakabatang donor
--Ads--











