--Ads--

Umabot sa mahigit 4,000 personnel ang idineploy sa iba’t ibang lugar sa Lalawigan ng Isabela para sa paggunita ng Undas 2026.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Scarlette Topinio, Information Officer ng Isabela Police Provincial Office, sinabi nito na ang nabanggit na datos ay kinabibilangan ng mga uniformed personnel, force multipliers, rescue, at iba pang grupo na tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong lalawigan.

Maliban dito, personal ding binisita ni PCol. Manuel Bringas ang mga bus terminal, at paliparan upang magbigay ng paalala sa mga biyahero kasabay ng pagsusuri nito sa mga security deployment.

Ayon kay PCapt. Topinio, mayroong ilang mga vehicular accidents sa mismong paggunita ng Undas, sa kabila ng pagpapaalala ng mga kapulisan sa mga motorista.

--Ads--

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga naging katuwang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad nitong Undas, gayundin ang publiko na tumalima sa mga ipinatutupad na mga ordinansa.