--Ads--

Lumakas pa bilang isang typhoon ang Severe Tropical Storm Cempaka at patuloy na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Linggo, Nobyembre 8.

Batay sa weather bulletin alas-2 ng hapon, namataan ang bagyo sa layong 1,620 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 120 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 150 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Samantala, umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa Northern at Central Luzon, habang Easterlies naman ang nakaaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

--Ads--

Inaasahan ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Quirino, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at Aurora dahil sa Amihan. Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Makakaranas naman ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Quezon at Davao Oriental dahil sa Easterlies.

Samantala, katamtaman hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na karagatan ang inaasahan sa Northern Luzon at silangang bahagi ng Central at Southern Luzon.

Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa mga susunod na weather bulletin at abiso ng PAGASA.