--Ads--

Muling nag-propose ng kasal ang aktor na si Boyet Ahmee sa kaniyang asawang si Dimples Romana, sa isang romantikong tagpo sa Paris, France, bilang bahagi ng pagdiriwang sa kanilang ika-23 anibersaryo ng pagsasama.

Sa kanilang joint post sa Instagram, ibinahagi ng mag-asawa ang video kung saan makikitang magkasayaw sila sa mga kalsada ng Paris, habang tanaw sa likuran ang Eiffel Tower.

Hindi naglaon ay lumuhod si Ahmee at muling inalok ng kasal ang aktres bilang pagpapatibay ng kaniyang pagmamahal at pangakong pagsasama habang-buhay.

Masayang tinanggap naman ni Romana ang proposal at ang singsing na ibinigay ng kaniyang mister.

--Ads--

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Ahmee na kung bibigyan siya ng pagkakataong ulitin ang kanilang buhay, si Romana pa rin ang pipiliin niya sa bawat pagkakataon.

Ibinahagi rin ng aktres na isa ito sa pinakamemorable na sandali nilang mag-asawa at muling ipinahayag ang kaniyang pagmamahal sa mister.