--Ads--
Anim na katao, kabilang ang isang bata, ang nasawi matapos gumuho ang bahagi ng isang limang-palapag na apartment building kasunod ng hinihinalang pagsabog ng natural gas sa Tbilisi, Georgia, nitong Huwebes.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng nagmula ang pagsabog sa ikalimang palapag nang tangkaing buksan ng isang residente ang gas heater.
Samantala, nailigtas nang buhay ang isang tatlong taong gulang na batang babae matapos ang ilang oras na rescue operation at kasalukuyang nasa stable condition. Ginagamot din sa intensive care ang isang 11-anyos na batang lalaki.
Dahil sa pinsala sa gusali, pansamantalang ililikas sa mga hotel ang 28 pamilya o mahigit 100 residente.
--Ads--











