CAUAYAN CITY- Matagumpay na narekober ng PNP-HPG ang hinihinalang abandonadong sasakyan sa City of Ilagan.
Batay sa ulat dakong alas-8:30 ng gabi noong Hulyo 28, 2025, agad na tumugon ang Isabela Provincial Highway Patrol Team (PHPT) sa ulat ng Barangay Chairman ng San Felipe kaugnay sa isang naiwan at hinihinalang abandonadong Mitsubishi Montero Sport sa isang carwash, Barangay San Felipe, Lungsod ng Ilagan.
Sa mabilis na koordinasyon sa Ilagan City Police Station, agad na nagsagawa ng recovery operation at matagumpay na narekober ang naturang sasakyan.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ito ng Isabela PHPT para sa masusing beripikasyon, imbentaryo,para sa gagawing imbestigasyon.
Paalala sa Publiko Nagpaalala rin ang PNP–HPG sa mga mamimili ng second-hand na sasakyan na magsagawa ng masusing beripikasyon bago makipagtransaksyon.
Maaaring i-check ang status ng sasakyan sa LTO, HPG–VIMS, o sa pinakamalapit na HPG unit.
Anumang naiwan o kahina-hinalang sasakyan ay dapat agad i-report sa mga awtoridad.











