--Ads--

Iginigiit ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante na may kakulangan sa porma ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahilan upang mag-walkout siya sa pagdinig ng House Committee on Justice.

Ayon kay Abante, hindi umano pasado sa “sufficiency in form” ang mga reklamong inihain, kaya hindi na dapat ito umusad sa proseso ng Kongreso. Dahil dito, nagpahayag siya ng objection at tuluyang umalis sa pagdinig.

Nagpasalamat naman si Abante sa suporta ng ilan niyang mga kasamahan sa Kamara na umano’y umayon sa kaniyang objection.

Sa kabila ng pag-alis niya hindi nahinto ang deliberasyon ng House Committee on Justice at ipinagpatuloy ng komite ang pagtalakay sa nasabing mga impeachment complaint.

--Ads--