Ibinunyag ng actress na si Joyce Ching na buntis siya sa kanilang ikalawang anak ng asawang si Kevin Alimon.
Sa kaniyang Instagram post nitong mga nakaraang araw, ibinahagi ni Joyce ang kaniyang excitement habang inanunsyo sa publiko ang pagdadalang-tao sa kanilang second baby.
Makikita sa kaniyang post ang sonogram ng kanilang magiging anak habang kasama nila ang panganay na si Olivia Ysabel o “Oli” na masayang hawak ang larawan ng kaniyang magiging kapatid.
Agad namang bumaha ng pagbati mula sa kanilang mga kaibigan at fans sa social media. Kabilang sa mga nagpaabot ng congratulations sina Barbie Forteza, Joyce Pring, Lexi Cordingley, at Bea Binene.
Matatandaang unang nagkaroon ng anak ang mag-asawa noong 2024 at dati nang ibinahagi ni Joyce ang kanilang pregnancy journey sa social media.





