--Ads--

Inilihim ng aktres na si Kaye Abad sa publiko na may dinaranas pala siyang sakit habang aktibo pa siya sa showbiz projects. Noong Enero 2025 siya na-diagnose na may breast cancer.

Ibinunyag lamang niya ito noong ipinagdiwang ang kanyang ika-44 na kaarawan, kung saan inamin din niyang tuluyan na siyang cancer-free at nakarekober na.

Ayon sa kanya, idineklara ng doktor na siya ay isang cancer survivor at wala nang cancer sa kasalukuyan.

Ibinahagi rin niya na dapat sana siyang sumailalim sa operasyon at mammogram, ngunit ipinagpaliban niya ito dahil sa takot sa magiging resulta, hanggang sa pinayagan siyang maghintay ng ilang panahon.

--Ads--

Nagpagamot siya sa Singapore at inaming naging mabigat para sa kanya ang pag-alis dahil sa pamamaalam sa kanyang mga anak.

Sa kabila nito, masayang ibinahagi ni Kaye ang magandang balita sa kanyang kaarawan, at nakatanggap din siya ng pagbisita at suporta mula sa mga kaibigan tulad ni Paolo Contis.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang kanyang asawa sa kanyang Instagram post, at inilarawan si Kaye bilang haligi ng kanilang pamilya na labis nilang minamahal.