CAUAYAN CITY – Patay ang isang agricultural technician ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na naganap na karambola ng tatlong sasakyan sa pambansang lansangan na sakop ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela.
Kinilala ang nasawi na tsuper ng motorsiklo na si Wyron Mariano, Agricultural Technician ng Provincial Capitol at residente of Brgy. Antagan 1st. Tumauini, Isabela.
Habang ang iba pang sangkot na sasakyan ay isang tractor na minaneho ni Jimmy Madamba Jr., 26 anyos at residente ng Zone 1, San Mariano, Isabela at isang isuzu elf truck na minaneho ni Joseph Tuliao, 43 anyos na residente namann ng Brgy. Mabantad, Cauayan City.
Batay sa pagsisiyasat ng Gamu Police Station, ang elf truck na minamaneho ni Tuliao ay binabagtas ang pambansangan lansangan patungong Ilagan City nang aksdidente mabangga ang motorsiklo na sinasakyan ng nasawing si Mariano.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nabangga rin ni Mariano ang sinundang tractor na minamaneho ni Madamba
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang tsuper ng motorsiklo na agad dinala sa ospital subalit ideneklarang dead on arrival.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang mga sangkot na behikulo at maging ang tsuper na si Tuliao para sa kaukulang disposisyon.




