--Ads--

CAUAYAN CITY-Nilimas ng isang binatilyo ang mahigit ₱100,000 halaga ng alahas at ₱6,000 cash mula sa bahay ng isang ginang sa Minante 2, Cauayan City.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Maria Grace Delgado may-ari ng bahay, bandang alas-4 ng madaling-araw sila umalis ng bahay upang dumalo sa kapistahan ng Our Lady of the Visitation sa Guibang. Pag-uwi, ay dito na tumambad sa kanya ang nakabukas na pinto senyales na may nanloob sa kanilang bahay.

Aniya, ito ang unang insidente ng pagnanakaw sa tatlong taon niyang paninirahan sa lugar.

Dagdag pa niya, mayroon siyang pinaghihinalaan na isang binatilyo na posibleng gumawa ng krimen dahil simula nang mapadpad ang binatilyo sa lugar ay iba’t-ibang krimen na ang nangyari.

--Ads--

Aminado ang Ginang Delgado na hindi nakalock ang isa sa mga bintana subalit may grills ito.

Pinaniniwalaang sinira ng suspek ang grills sa bahagi ng kwarto at kusina upang makapasok.

Sangayon ay hindi na rin umano niya inaasahan na maibabalik pa ang mga alahas at pera na nalimas sa kanya subalit hinihiling niya na madala sa DSWD o bahay Pag-asa ang suspek upang magabayam ito at hindi na makapang biktima pa ng iba.