--Ads--

Iminungkahi ni Albay Governor Noel Rosal ang permanenteng pagbabawal ng paninirahan sa loob ng anim na kilometrong danger zone ng Bulkang Mayon upang maiwasan ang paulit-ulit at magastos na evacuation tuwing tumataas ang alert level ng bulkan.

Ipinahayag ito ng gobernador matapos itaas ng PhIVolcS ang Alert Level 3 sa Mayon bunsod ng pagdami ng rockfall events at volcanic earthquakes. Ayon kay Gov. Rosal, mas mainam ang pangmatagalang solusyon kaysa sa paulit-ulit na paglilikas ng mga residente.

Binanggit ng gobernador na sa ilang bayan tulad ng Camalig, Malilipot at Tabaco, may natitira pang ilang daang pamilya sa loob ng danger zone, habang ganap nang cleared ang Legazpi City at Daraga.

Dahil dito, mas kaunti na umano ang kailangang ilikas sa tuwing nagkakaroon ng pag-aalboroto ang bulkan. Sa kasalukuyan, halos 1,000 pamilya na ang nailikas sa mas ligtas na lugar.

--Ads--

Tiniyak din ni Rosal na may sapat na suplay ng pagkain para sa mga evacuee, sa tulong ng Department of Social Welfare and Development, na naglaan ng ayuda na tatagal ng hanggang 15 araw.