--Ads--

Nagpahayag ng suporta ang ilang kaibigan at kasamahan sa industriya ng showbiz kay Alden Richards sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap nito.

Ito ay kasunod ng mga alegasyong ibinato ng social media personality na si Xian Gaza laban sa aktor, na umano’y nanloko at nagsamantala sa kabaitan ng ibang tao.

Iginiit ni Xian na tumanggi umanong umalis si Alden sa isang condominium unit na ipinagamit umano sa kanya ng isang mayamang mag-asawang negosyante.

Inakusahan din niya ang aktor na hindi pa isinasauli ang anim na mamahaling relo na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso.

--Ads--

Dagdag pa ni Xian, nanghihiram din umano si Alden ng mga mamahaling gamit na ginagamit sa mga showbiz event, dahilan upang mabahala ang mag-asawa kung maibabalik pa ang mga ito.

Sa ngayon, wala pang direktang pahayag si Alden o ang kaniyang kampo kaugnay ng mga alegasyon.

Gayunman, sinuportahan naman ito ng ilan sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz, kabilang ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas, na ipinagtanggol ang aktor .

Ayon kay Ai-Ai, matagal na silang malapit ni Alden, na tinawag niyang matulungin, mapagbigay, mabait, at sensitibo sa pangangailangan ng kaniyang mga kaibigan at kasamahan sa industriya.

Nagpaabot si Ai-Ai ng pagmamahal at suporta kay Alden, kasabay ng pananalig na patuloy itong gabayan ng Diyos.

Sa kabila ng mga alegasyon, wala pa namang direktang tugon mula kay Alden Richards o sa kaniyang kampo upang linawin ang mga isyung ibinabato laban sa aktor.