--Ads--

Pasok na sa ikalawang round ng women’s tennis doubles sina Pinay tennis star Alex Eala at Shaira Rivera sa nagpapatuloy na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Tinalo ng dalawa ang pambato ng Hong Kong na sina Lai Ching Laam at Liu Kallista sa score na 6-1, 6-3.

Sa unang set ay dominado nina Eala ang laro hanggang pagpasok ng ikalawang set ay sinubukan pa ng mga pambato ng Hong Kong na makalapit sa socre subalit nangibabaw pa rin ang lakas ng mga Pinay.

Ito na rin ang pangalawang sunod na panalo ng women’s doubles ng bansa dahil nagwagi sina Tenny Madis at Stefi Aludo laban kina Anjali Junarto at Meydiana Reinnamah sa score na 6-3,7-6(4)nitong Lunes.

--Ads--

Susunod na makakaharap ng dalawa sina Xinyu Jiang at Zhaoxuan Yang ng China.