--Ads--
Nabigo si Alex Eala na maituloy ang kanyang kampanya sa Cincinnati Open matapos matalo kay world No. 10 Amanda Anisimova, 6-4, 4-6, 2-6, sa Round of 32 nitong Martes sa Ohio, USA.
Nakuha ni Eala ang unang set matapos ang matinding laban, kabilang ang 13 deuces sa ikalimang game na nagbigay sa Filipina ng break at 3-2 abante. Nakuha rin niya ang set matapos manalo sa huling tatlong games.
Gayunman, nakabawi si Anisimova sa second set at nanalo sa apat sa susunod na limang games upang itabla ang laban at dalhin ito sa deciding set.
Muling umabante si Eala, 2-0, sa third set, ngunit hindi na napigilan ang malalakas na serve ng American star na tuluyang nagkamada ng panalo.
--Ads--
Inaasahang susunod na sasabak si Eala sa US Open.











