--Ads--

Sinabi ni Alex Eala na excited siyang makasama muli ang Philippine team sa Asian Games 2026 sa Japan na magsisimula sa Setyembre 19.

Matapos ang kanyang three-set loss sa US Open, sinabi ng 21-anyos na tennis star na gusto niya ang masayang atmosphere kapag kasama ang buong koponan.

Sa 2023 Asian Games, bronze medal ang naiuwi ni Eala sa singles at mixed doubles. Ngayon, isa siya sa mga paboritong manalo ng women’s singles gold matapos maging unang Pilipina na nagkampeon sa WTA singles at umakyat sa world No. 18.

Bukod sa medalya, awtomatikong makakakuha ng puwesto sa 2028 Los Angeles Olympics ang mananalo ng singles gold sa Asian Games.

--Ads--