Tuluyang nawala sa contention para sa WTA Finals si Filipina tennis ace Alex Eala matapos niyang laktawan ang WTA 1000 China Open para katawanin ang Pilipinas sa 20th Asian Games sa Japan.
Nasa ika-17 puwesto si Eala sa WTA live race at may marka nang “X” sa kanyang pangalan, indikasyon na hindi na siya makakapasok sa season-ending tournament na nakatakda sa Nobyembre 8 hanggang 15 sa Indian Wells.
May 2,181 puntos si Eala ngayong season, habang nasa ika-walong puwesto si Linda Noskova na may higit 4,000 puntos.
Sa halip na lumahok sa China Open, pinili ni Eala na maglaro para sa Pilipinas sa Asian Games, kung saan nakapasok siya sa semifinals at nag-uwi ng bronze medal.
Ayon sa ulat, magiging mahirap para kay Eala na mahabol ang kinakailangang puntos para sa WTA Finals kahit lumahok pa siya sa China Open at Wuhan Open.
Sa ngayon, sina Elena Rybakina at Aryna Sabalenka pa lamang ang kumpirmadong pasok sa WTA Finals.











