--Ads--

Makakaharap ng Filipina tennis star na si Alex Eala ang Amerikanang si Mary Stoiana sa unang round ng US Open na gaganapin sa Flushing Meadows, New York. Si Eala ay kasalukuyang world No. 18 at ika-17 seed sa torneo.

Inaasahang magtatapat ang dalawa sa Lunes, bagama’t hindi kasama ang kanilang laban sa iskedyul ng mga laro para sa Linggo.

Ito ang magiging ikalawang paghaharap nina Eala at Stoiana matapos manaig ang Filipina netter sa kanilang unang pagtatagpo noong 2024 ITF 1000 Koser Jewelers Tennis Challenge sa Pennsylvania sa iskor na 7-5, 6-2.

Umaasa si Eala na maipagpapatuloy ang kanyang magandang kampanya ngayong taon matapos maabot ang pinakamataas na ranking ng kanyang karera at makuha ang kanyang unang titulo sa WTA Tour.

--Ads--