--Ads--

Natapos na ang kampanya ni Alex Eala sa WTA 1000 Madrid Open matapos ang kanyang laban nitong Sabado ng gabi.

Tuluyang na-eliminate si Eala sa doubles event kasama ang Turkish partner na si Zeynep Sonmez matapos silang talunin nina Taylor Townsend at Karolina Siniakova sa score na 6-1, 7-5 sa round of 16.

Hindi rin nagtagal ang kampanya ni Eala sa singles matapos siyang mabigo laban kay Elise Mertens, na kasalukuyang World No. 21, sa score na 6-2, 6-1 noong Biyernes ng gabi.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Eala na nagpapasalamat siya sa kanyang karanasan sa torneo at nangakong babalik na mas malakas.

--Ads--

Kasunod nito, tututok na si Eala sa Catalonia Open na gaganapin mula Abril 27 hanggang Mayo 3 sa Club de Tennis La Bisbal Centre Esportiu sa La Bisbal d’Empordà, Spain.