--Ads--

Umusad sa kanyang unang finals ngayong season ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos talunin si Swiss qualifier Rebeka Masarova, 6-2, 4-6, 6-3, sa semifinals ng Birmingham Open nitong Sabado.

Naantala ang laban nang dalawang beses dahil sa ulan, kabilang ang mahigit dalawang oras na paghinto sa ikatlong set kung saan lamang si Eala, 5-2. Sa muling pagbalik ng laro, tuluyang kinumpleto ng Filipina ang panalo matapos ang matinding laban sa Edgbaston Priory Club.

Sa finals, haharapin ni Eala ang Czech player na si Nikola Bartůňková, na dati niyang doubles partner, sa inaabangang championship match ng Birmingham Open.