--Ads--

Bitbit ni Alex Eala ang kumpiyansa sa pagharap kay world No. 10 at No. 2 seed na si Elina Svitolina ng Ukraine sa quarterfinals ng Mubadala Citi DC Open.

Hangad ng world No. 29 na si Eala na maipagpatuloy ang kanyang magandang kampanya matapos talunin sina Paris Olympic gold medalist Zheng Qinwen at defending champion Leylah Fernandez.

Sinabi ni Eala na handa siya sa anumang hamon sa laban na nakatakdang ganapin alas-6:30 ng umaga, oras sa Pilipinas.

May 2-0 rekord si Eala laban kay Svitolina, kabilang ang kanyang 6-3, 6-4 panalo sa Berlin Tennis Open noong nakaraang buwan.

--Ads--

Kapag nagwagi, uusad si Eala sa semifinals kung saan makakaharap niya ang mananalo sa pagitan nina Elisabetta Cocciaretto ng Italy at Naomi Osaka ng Japan.