--Ads--
Kinoronahan si Miss Philippines Alexie Brooks bilang Miss Eco International 2025!
Naganap ang koronasyon nitong Abril 19 (Abril 20 sa Maynila) sa AlZahraa Ballroom, Hilton Green Plaza sa Alexandria, Egypt.
Wagi rin si Brooks ng Best in National Costume sa kaniyang kasuotang hango sa Philippine eagle na likha ni Tata Blas Pinuela.
Karagdagan sa listahan ng tagumpay ng Pilipinas sa Miss Eco International ang pagkapanalo ni Brooks.
--Ads--
Una nang nanalo sina Cynthia Thomalla noong 2018 at Kathleen Paton noong 2022, habang tatlong Pilipina ang nagtapos bilang second place na sina Chantal Schmidt (2024), Kelley Day (2021), at Maureen Montagne (2019).