--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang ama matapos na gahasain ang sariling anak sa Pinayag, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Inaresto ang isang 35-anyos na akusado na residente ng Bambang, Nueva Vizcaya sa isinagawang Manhunt Charlie ng Kayapa Police Station.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Hukom Paul Atolba Jr. ng RTC Branch 30 Bambang, Nueva Vizcaya sa kasong rape at two counts ng paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children na may piyansang P75,000.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nag-ugat ang kaso ng suspek matapos gahasain nito ang kanyang anak na 15-anyos na may diperensiya sa pag-iisip at pananakit nito sa kanyang misis.

--Ads--

Dahil may suliranin sa pag-iisip ang biktima ay hindi siya nakapagsumbong kahit dalawang ulit na siyang ginahasa ng ama.

Naaktuhan umano ng misis ng akusado ang panggagahasa sa kanilang anak kaya nagsumbong siya sa pulisya at sinampahan ng kaso ang mister.