--Ads--
Napatigil sa kanyang concert sa St. Paul, Minnesota ang Grammy-winning singer na si Lionel Richie, 77, matapos makaranas ng pagkahilo habang nasa entablado nitong Hunyo 24.
Matapos ang halos isang oras na pagtatanghal, nagkaroon ng intermission ngunit hindi na siya nakabalik sa entablado dahil sa hindi magandang pakiramdam. Ayon sa kanyang banda, hindi na niya kayang ipagpatuloy ang concert.
Wala pang opisyal na pahayag tungkol sa kanyang kalagayan, habang nananalangin naman ang kanyang mga tagahanga para sa kanyang agarang paggaling.





