Mula sa baryong hirap ang signal, isang kwento ng pagsisikap ang nag-angat kay Engr. Cristine Mateo ng San Mariano, Isabela bilang Top 10 sa katatapos na December 2025 Agricultural and Biosystems Engineering Licensure Examination.
Kabilang si Engr. Cristine sa 49 na pumasa mula sa 57 na kumuha ng ABELE ngayong Disyembre 2025, kung saan nakapagtala ang kanilang unibersidad ng 85.96% national passing rate at kinilalang Top 3 performing school, habang nakakuha siya ng 87.56% na passing score.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Mateo, aniya sobrang overwhelmed siya nang malamang kasama siya sa mga topnotchers. Hirap sa signal sa kanilang baryo kung kaya’t hindi niya ma-refresh ang listahan at napaiyak nang malamang isa siya sa mga ito.
Aminado siyang nagdalawang–isip kumuha ng board exam dahil apat na buwan lang siyang nakapag-review. Ngunit pinilit siya ng kaniyang mga magulang na isang tricycle driver at housewife na subukan at mag exam.
Hindi rin naging madali ang kanyang student life dahil sa kakulangan sa pera, ngunit gumaan ang sitwasyon nang maging scholar siya ng Sugar Regulatory Administration. Hindi rin agricultural engineering ang unang pangarap niya kundi nursing, ngunit hindi kinaya ng budget kaya sinunod niya ang kaniyang lolo’t lola.
Para sa mga susunod na kukuha ng board exam, simple ang kanyang payo, take the risk, disiplina sa sarili, at huwag matakot. Taos-puso rin niyang pinasalamatan ang mga propesor, kaibigan, at pamilya na tumulong sa kanya, lalo na’t wala siyang review center.
Pinatunayan ni Engr. Cristine Mateo na kahit galing sa simpleng pamilya, posible ang maging topnotcher kapag may determinasyon, sipag at disiplina.
Home Local News
Anak ng tricycle driver, Top 10 sa Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examination
--Ads--











