--Ads--

CAUAYAN CITY– Sinisiyasat na ng Lubuagan Police Station ang anggulong tribal war na dahilan nang pamamaril-patay sa isang magsasaka sa Mabilong, Labuagan noong ikalabing tatlo ng Abril.

Ang biktima ay si Joseph Guilloy Jaime, 65 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Matatandaang nagpaalam ang magsasaka na magpapatubig sa kanyang sakahan nang makarinig ang mga residente ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nang puntahan nang pamilya ang lugar ay dito na nila nadiskubre ang biktima na mayroong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

--Ads--

Nagtamo ng anim na tama ng M16 rifle ang biktima na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCaptain Benjo Torres, hepe ng Lubuagan Police Station sinabi niyang posibleng pagganti ng kalabang tribo ang dahilan nang pagbaril at pagpatay sa biktima.

Ito ay dahil nauna nang may nangyaring pamamaril sa miyembro ng kalaban nilang tribo noong Hulyo nang nakaraang taon.

Dagdag pa niya na nakilala na ng pulisya ang pinaghihinalaan sa pakikipagtulungan ng mga residente at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Ikinadismaya naman ng pulisya ang pagbaril patay sa biktima dahil nakatakda na sana bodong o peace pact sa sa pagitan ng dalawang tribo.

Patuloy naman ang panawagan ng pulisya sa dalawang tribu na idaan sa due process ang hustisya at huwag sa sarili nilang mga kamay.

Ang pahayag ni PCaptain Benjo Torres