Anim na katao ang naaresto ng mga tauhan ng Delfin Albano Police Station matapos maaktuhan na nagsasagawa ng ilegal na pagsusugal sa Barangay Carmencita, Delfin Albano, Isabela.
Dakong alas-4:00 ng hapon nitong Enero 11, 2026 nang isagawa ang anti-illegal gambling operation sa Purok 5 ng nasabing barangay. Itinago ang mga suspek bilang sina alyas “Maria,” “Nene,” “Mary,” “Chris,” “Neil,” at “Emman,” na pawang mga residente ng lugar at karatig-barangay. Naabutan ang mga ito sa loob ng bahay ni alyas “Emman” habang naglalaro ng barahang sugal na “Tong-its,” na paglabag sa Presidential Decree No. 1602.
Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang set ng baraha, bet money na nagkakahalaga ng ₱657, dalawang kahoy na mesa, at apat na monoblock na upuan.
Matapos isailalim sa kaukulang medical examination ang mga sangkot, dinala ang mga suspek at ang mga ebidensya sa Delfin Albano Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Home Local News
Anim na katao arestado sa Delfin Albano sa aktong illegal na pagsusugal
--Ads--










