CAUAYAN CITY – Limang team mula sa mga pampublikong paaralan at isang team mula sa mga pribadong paaralan ang lalahok at magtutunggali sa gaganaping City Meet mula ikatatlo hanggang ikaapat ng Marso.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Alfredo Gumaru Jr., Schools Division Supt. ng SDO Cauayan City na ang mga mananalo sa City Meet ay lalahok sa Cagayan Vallley Regional Athletics Association o CAVRAA meet.
Ang City meet ay lalahukan ng mahigit isang libong manlalaro dahil ang delegasyon ng isang distrito ay aabot sa tatlong daan hanggang apat na raan.
Dahil Foundation Day ng SDO Cauayan City ngayong araw at City Meet Bukas, araw ng Biyernes ay hiniling nila at inaprubahan ng kanilang panrehiyong tanggapan na walang pasok sa nabanggit na mga araw ngunit magkakaroon ng klase sa dalawang Sabado bilang kapalit.
Samantala, Ipapatupad pa rin nila ang maximum protection sa isasagawang City Meet at lahat ng kalahok na mga atleta ay nabakunahan bukod sa dumaan pa sila sa rigid medical check-up.