--Ads--

CAUAYAN CITY- Anim na tao ang nasugatan sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Barangay Dagupan, San Mateo, Isabela.

Ang mga sangkot ay ang single motorcycle na minamaneho ni Reward Hugo, 33-anyos na residente ng Barangay Dagupan at tricycle na minamaneho ni Freddie Domingo, 44-anyos na residente ng Barangay Villafuerte.

Batay sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan papaliko patungo sa isang gasolinahan sa barangay Dagupan ang tricycle na minamaneho ni Domingo nang bumangga dito ang paparating na motorsiklo.

Nasugatan ang tsuper ng motorsiklo na si Reward Hugo at ang angkas nitong mga menor de edad na kabilang ang isang 14-anyos, 7-anyos at 3-anyos.

--Ads--

Nagtamo din ng sugat sa katawan ang tsuper ng tricycle na si Freddie Domingo at mga pasahero na si Lester Domingo, 20-anyos at isang Estudyante na 17-anyos.

Dinala ng mga rumespondeng kasapi ng Rescue San Mateo ang mga nasugatang biktima sa pagamutan subalit ilan sa mga ito ang kinailangang ilipat sa Lungsod ng Santiago para sa karagdagang atensyong medikal.