--Ads--

Naging epektibo umano sa Lungsod ng Cauayan ang ginagawang Anti-criminality strategy ng mga kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan at hindi na makapagtala ng anumang uri ng krimen.

Ito ay matapos ang dalawang matagumpay na pagsasagawa ng mobile sessions ng Lungsod subalit wala umanong naitalang reklamo o naidulog na concern sa mga kapulisan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Avelino Canceran, hepe ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na ang anti-criminality strategy tulad na lamang ng 24 oras na deployment ng mga kapulisan sa bawat barangay ay nakatulong upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari.

Iginiit din niya na walang mga naidulog sa kanilang tulad na lamang ng nakawan, kaguluhan, at iba pang krimen dahilan upang iulat na payapa ang Lungsod.

--Ads--

Maliban dito, nagsasagawa rin ang kanilang hanay ng e-scuba kontra tunneling bank theft kung saan tiniitingnan ang mga drainage canals malapit sa mga bangko.

Ipinagpapasalamat naman ng himpilan na walang naipapaulat na mga nanakawan dahil sa mahigpit na monitoring at isinasagawang estratehiya ng mga kapulisan.

Tuloy-tuloy naman ang ginagawa nilang koordinasyon sa ibang kapulisan sa Region 2 para sa pagpapaigting ng monitoring at upang mahuli ang ilang mga indibidwal na may pagkakasala sa batas sa pamamagitan ng checkpoint.

Aasahan din na dadalo ang PNP sa bawat mobile sessions na isasagawa sa Cauayan City upang maramdaman ng taumbayan ang kanilang serbisyo.