--Ads--

Pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 8389 o Anti-Political Dynasty Bill na naglalayong ipagbawal ang sabayang pagtakbo at paghawak ng posisyon ng magkakamag-anak sa iisang lugar.

Sa botong 271 pabor, 16 kontra, at 7 abstain, tuluyang naaprubahan ang panukala at inaantabayanan na lamang ang bersyon ng Senado upang maisalang ito sa bicameral conference committee bago maging ganap na batas na target ipatupad sa 2028 elections.

“This measure recognizes a reality in Philippine politics while also responding to a constitutional mandate that has remained pending for decades. The objective is to promote broader political participation and strengthen public trust in our democratic institutions,” ani House Majority Leader Sandro Marcos.

Maraming mambabatas ang nagsulong ng panukala, ngunit ang bersyon nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Marcos ang ginawang working bill. Sa ilalim nito, ipinagbabawal sa mga magkakamag-anak hanggang second degree of affinity and consanguinity ang sabayang pagtakbo sa magkakaibang posisyon sa isang bayan o probinsya.

--Ads--

Dahil dito, hindi maaaring tumakbo ang mga kapamilya tulad ng asawa, anak, magulang, kapatid, tiyo, tiya, at lolo at lola sa ibang lokal na posisyon kung ang isang miyembro ng pamilya ay kumakandidato na sa isang posisyon sa parehong lugar.

Ganito rin ang ipatutupad sa antas ng lalawigan, kung saan bawal tumakbo ang mga kaanak sa mga katungkulang gobernador, bise gobernador, at mga miyembro ng sangguniang panlalawigan. Gayunman, pinapayagan silang tumakbo sa mas mataas na posisyon gaya ng senador, kongresista, pangulo, at pangalawang pangulo.

“We want to encourage a political environment where leadership is determined not only by familiarity or family ties, but also by merit, competence and the confidence of the Filipino people,” ani Marcos.

“A stronger democracy requires broader participation. We want more Filipinos, especially young and capable leaders from ordinary backgrounds, to believe they have a real chance to serve their communities and their country,” dagdag pa ng anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.