--Ads--

Nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa Brgy. Baluarte, Santiago City kung saan mahigit isang daan na aso at pusa ang nabakunahan bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa rabies.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ricardo Pascual, livestock inspector ng City Veterinary Office, tinatayang nasa isang daan na hayop ang nabakunahan sa isinagawang aktibidad ngayong araw.

Paliwanag niya, hinati sa tatlong vaccination teams ang kanilang grupo at nag ikot ang bawat team sa iba’t-ibang purok ng barangay upang mas maging epektibo at mapabilis ang pagbabakuna.

Dagdag pa ni Pascual, mula nang magsimulaq ang vaccination drive noong Enero, aabot na sa humigi’t kumulang anim na barangay na ang kanilang napuntahan.

--Ads--

Isinagawa ang libreng pagbabakuna mula alas nwebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.