Apat na Centenarian ang nakatakdang makatanggap ng isang daang libong piso bawat isa mula sa pamahalaan.
Ibinahagi ni Mayor Joseph Tan na apat na bagong kandidata bilang Centenarian ang mapagkakalooban ng tig-iisang daang libong piso na insentibo mula sa National Government.
Aniya una na ring nakatanggap ng nasabing Tulong-pananalapi ang apat na Senior Citizen nang malagpasan ng mga ito ang edad na siyamnaput lima kaya naman sa pagtuntong nila sa ika-isandaang taong gulang, sigurado na 200,000 pesos na ang kanilang matatanggap.
May kabuuang 8,455 Benipisyaryo ang programa ng Pamahalaan sa Social Pension o SOCPEN at inaasahan pa na tataas ito dahil sa ibinabang karagdagang Budget Allocation ng DSWD Region 2 kaya naman inaasahan na nasa 8,833 na benepisaryo ang makikinabang sa insentibo.
Tinatayang 5 000 pesos ang matatanggap ng bawat benepisaryo ng Programa na may edad siyamnapu hanggang siyamnaput apat, alinsunod ito sa ordinance number 10thcc-025 o ang pamamahagi ng insentibo para sa mga Senior Citizen sa Lunsod.
Nakatanggap naman ng Dalawang libo limang daang piso ang mga may edad walumpu hanggang walumput siyam.
Ayon sa mga benepisaryo malaking bagay ang ayudang natatanggap nila bilang pantustos sa kanilang medisina o maintenance para sa kanilang kalusugan.