--Ads--
Apat na miyembro ng isang pamilyang kastila ang nawawala matapos lumubog ang isang bangka sa karagatan ng Indonesia dahil sa masamang panahon.
Nawawala ang ama at tatlo niyang anak na nasa bakasyon sa bansa. Nangyari ang insidente noong Biyernes ng gabi nang tumaob ang bangka na sinasakyan ng labing-isang katao sa Padar Island Strait, malapit sa Labuan Bajo, isang kilalang tourist destination.
Ayon sa mga awtoridad, umabot sa hanggang tatlong metrong alon at malalakas na agos ang tumama sa bangka dahilan upang ito ay lumubog.
Ligtas namang nailigtas ang ina at isang anak na babae ng pamilya, kasama ang apat na crew members at isang tour guide.
--Ads--
Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa apat na nawawalang Kastila.











