--Ads--

Asean+3 Macroeconomic Research Office, inaasahan ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas,  Detalye hahatid ni Bombo Princess Oglimen

Inaasahan ng Asean+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) na lalagpas sa inaasahan ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2026, dahil sa epekto ng malawakang anti-corruption crackdown at sunud-sunod na climate-related shocks.

Sa ulat na inilabas, tinaya ng AMRO na lumago lamang ng 5.2% ang ekonomiya noong 2025, mas mababa sa dating forecast na 5.6% at sa 5.7% na naitala noong 2024. Ipinapakita rin ng datos na hindi naabot ang target ng administrasyong Marcos na 5.5 hanggang 6.5 %.

Dahil dito, ibinaba ng Amro ang forecast para sa 2026 sa 5.3 %, mula sa dating 5.5 %. Nagbabala ang ahensya na maaaring mahirapang maabot ng bansa ang estimated growth potential na humigit-kumulang 6 %.

--Ads--

Ayon kay Dong He, chief economist ng Amro, “steady” ang ekonomiya ngunit may mga “headwinds” na dapat bantayan, kabilang ang epekto ng anomalous flood control projects na nagdulot ng pagbaba ng kumpiyansa ng publiko, pagkaantala sa infrastructure spending, at paghina ng climate adaptation efforts.

Upang tugunan ang pababang takbo, ibinaba ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang benchmark rate sa 4.5 % noong Disyembre 2025, at pinanindigan ng gobyerno ang commitment sa “big, bold reforms” para palakasin ang governance at sustainable growth.

Bilang paghahanda sa hinaharap, pinayuhan ng Amro ang Pilipinas na paigtingin ang infrastructure at gawing mas resilient ang ekonomiya sa natural disasters at epekto ng artificial intelligence (AI) sa sektor ng services export.